Monday, April 03, 2006

Feeble Minded Ordinary Pig and the Thinking Wild Baboyramo


Sa buhay dapat meron kang logical mind. Pag wala... para kang ordinary pig. Ang pig na ito ay gusto na lang lumamon everyday. Hindi nag iisip. Kain na lang ng kain ng mga darak na isinasaksak sa kanya. The ordinary pig is happy kasi kain na lang sya ng kain... walang ka effort effort kasi nasa kulungan sya na compartamentilzed. Defined na defined ang buhay ng ordinary pig. Pag babae at magandang lahi... paanakan (sow)... Pag lalaki at magandang lahi... barako. Pag barako ka o paanakan... wala kang gagawin kundi lumamon ng lumamon at makipagsex... para magproduce na anak ng mga biik. Ang mga lilitsunin... ay pinapalamon para katayin... Di ka pwedeng mag sex... pero ok lang sa mga lilitsunin yan kasi lumalamon naman sila... in the end... these all types of pigs DIE A HAPPY PIG. Their only purpose in life is to EAT, HAVE SEX, DIE and BE EATEN... wawa naman the ordinary pig.

Ang ordinary pig... walang pakialam sa logical thinking. Ang alam nya basta lumalamon sya everyday he already serves his purpose. He doesn't roam around dahil boxed sa pig pen ang buhay nya. Nakakulong sya... his only option is to eat and die... eat the darak or the kanin baboy...

Sana para na lang akong pig... If I were to live again next lifetime... I'd rather become an ordinary pig. Masarap ang buhay ng ordinary pig... gusto maging barako... eat, have sex and die... what a purpose in life...

The wild pig on the other hand is a rare breed... near extinction na yan... They hunt their meals... they either hide from or fight their predators. They have tusks... and they are black... unlike the ordinary pig who've have given up the real color of their skin dahil sa skin whitening creams... The wild pig uses his cognitive faculty and his intincts to survive in the wild. Unlike the "cultured" ordinary pig who waits for their time of execution... the baboyramo has a will to extend his life and enjoy the beauty of the forest. He values his existence and his environment. His purpose is to survive and to protect his environment.

People would rather eat a Baboyramo kasi he has a different purpose. Mas malasa kasi pinahalagahan ng baboyramo ang buhay nya.

Dalawa lang klaseng tao sa mundo kung kababuyan ang pinag uusapan... may baboyramo at may baboy na banlat... Kung ordinary baboy ka... wala kang logic... wala kang pakialam sa buhay... baka nga silent majority ka... a fence sitter... complacent sa pang araw araw na buhay... ayaw nang mag isip... kasi lahat ng isinusubo ng media sa utak ay oo na lang ng oo... Ang amo ng utak mo ay si Bunyi, si Gonzales, si Defensor at si Ermita. Ginagawa ka nang tanga... ginagawa pang baboy ang pag iisip mo.

1 Comments:

At 12/30/2009 02:23:00 AM, Blogger compact said...

Great blogs. When you can please visit my blogs on
www.philippinebeat.com

 

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter