Tuesday, March 21, 2006

Of teaching kids about Gloria as a cheater.

This is one of the replies i sent to one of the complacent people who knew that gloria cheated but still thinks that gloria is still THE option.

You just don't justify something that's immoral like cheating and telling lies to your kid. Sa school nila there is a subject called "Christian Values Formation" or "Religion and Good Conduct"... me ibang tawag dyan pero the subject is more on value formation. That's the standard in every school. Siguro if your kid has raised up the issue... you could tell your kid "lam mo anak, may mga taong mandaraya sometimes they easily get away with it in a certain period dahil nasa kapangyarihan sila. Pero me mga taong alam kung ano ang tama at pinaglalaban nila. Katulad noong panahon ni Superman, Batman, Spiderman at Dr. Jose Rizal ... Ngayon meron tayong mga kababayan na tumatayo kung ano ang moral at tama at ipinaglalaban nila 'to. Dahil sa harap ng Dyos pag tayo'y namatay, ang itatanong sa atin... 'Ano ba ang ginawa mo sa isang maling nakita mo... hinayaan mo na lang ba ito... o tumayo ka at gumawa ka ng paraan para ituwid ito?'"

Sa palagay ko scarlett ang ganitong approach ay makakahubog sa anak mo bilang isang mabuting mamayan. He/she can stand for what is right... may advocacy sa buhay at may purpose.

Pero kung sa tinuro sa yo ng nanay mo na "hayaan mo na lang" attitude... someday babalik sa 'yo yan. The Bible, the Koran, the Torah, Tibetan Book of the Dead... teaches the universal principle of Karma... "what you sow is what you reap." And KARMA is pure logic. It's a continuation of the most popular quote "do unto others what you want others do unto you." KARMA says... "if you've done 1 bad thing to another person... it will return back to you a hundred fold."

Kung ikaw ay naglalakad nakakita ng sinasaksak... di ka nakiaalam... malamang pag sinasaksak ka na rin wala ring makikialam. I mean if that's what you want... that's fine with everyone... wag lang sanang idamay mo ang bata sa bad Karma mo.

Remember the popular story of Christ na Good Samaritan... yung tatlong klaseng tao... merong nandeadma lang... merong naawa pero walang ginawa... at merong naawa, pinansin at gumawa ng paraan para makatulong. Saan mo gustong ihubog ang anak mo sa tatlong klaseng taong binangit?

Kung ikaw ay may practical na pananaw sa buhay na wag pakialaman ang mga bagay na palagay mong mali at kung makikialam ka ay natatakot kang baka mapahamak ka... sana sarilihin mo na lang yan at wag mong ituro sa anak mo ang ganyang attitude... Bigyan mo sya ng options para magdecide kung anong tamang gawin... kung anong moral... kung anong mabuti para sa nakakarami. Nangsagayon lumaki sya bilang isang mabuting mamamayan na di pwedeng magkaroon ng masamang KARMA.

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter