Thursday, March 23, 2006

Boobtube Eklat - The Television

A culture of soaps, talk shows, game shows, reality shows, singing and talent contests and basketball.

Looking into the mindset of Filipinos... you have to know what they are watching everyday. Amazing talaga ang mga pinapalabas sa TV ngayon. Tapos pag napanood na... babasahin pa sa magazine. Take for example yung kay Juday at kay Piolo... manonood ka ng TV... yung drama nila... tapos aabangan mo sa tsismis articles sa mga showbiz mags at gossip column ng mga dyaryo.

What do filipinos get out of it... syempre isang depressing na istorya na puno ng intriga... inapi... nakabangon... tinarantado ng antagonist... sinaksak at pinatay ang kaibigan o kamakanak... hard up sa buhay... naghiwalay ng tadhana... so forth and so on... The stories are so depressing... tapos ang mga nanonood ay always waiting for a climax that's so predictable... What do they get out of it... hmmmm... wala... gastos sa oras... gastos sa text... at isang napakagandang motivation sa mga produkto na endorsed ng mga palabas na 'to.

The Filipino life evolves on upisina-bahay-lamon-TV routine. Ang isang struggling masa or middle class... gusto na lang magpahinga after a stressful hard day's work... manonood na lang sa boobtube ng mga palabas for 1 to sawa hours hanggang antukin pagkatapos kumain ng hapunan. Habang nakaupo nag e emote sa pinapanood at in between binobombard ng commercials para ma motivate na bumili ng producto... At ang commercials na yan ang artista na endorser ay pinapanood nya dun sa teleserye, talkshow, gameshow etc...

Looking at these parameters... ang buhay ng negosyo ng pinoy ay umiikot sa showbiz... sa telebisyon... dyan kumukuha ng hint ang big businesses... Procter and Gamble... Unilever... PLDT... California Mfg... On the backdrop, it's not really about showbiz... It's big business. Iginigisa tayo sa sariling mantika.... we have this tele-culture... and big businesses ride on the cycle.

TV network survives because of product endorsements... and you need to be big in order to have at least a 20 minute exposure. Hindi ka pwedeng gumawa ng komersyal kung ang budget mo ay maliit... kasi kailangan mo pambayad sa production crew from the artista, direktor, script writer... etc... Kaya multi nationals and business giants lang ang makaka afford nyan.

Politicians ride on the bandwagon... tingnan nyo ang mga senators and congressmen... some of them got exposures in certain commercials. Gloria in her case tried to make some konekment with Nora Aunor dahil bansot at may nunal.... SHEEEEET... WALANG HIMALA!!!!!!!! Kaya kung lumalabas sya sa mga presscon nya feeling nya si Nora Aunor sya at nasa telenovela... pathetic.

Pero magbalik tayo sa mga palabas sa TB... Tingnan na lang natin itong fad na mga singing contests... Star in a Bankrupt na palabas sa isang network. Anak ng pitong kuba nung magkaroon nyan... lahat ng bahay merong magic sing o may mga VCD... TANGNA... KAHIT SINTUNADO ANG LAKAS NG LOOB NA UMATUNGAL... peste. Buti sana kung isang beses lang kakantahin... Isang oras yun lang ang kinakanta... It's a fad na nagpataas ng sale ng magic sing at yung mga arcade shops na merong mga videooke cubicles na hinuhulugan ng limangpiso kada kanta. Everybody wants to be a SONGER!!!!!! SHET! Pwede ba... wag naman sanang gawin natin ang mga anak na babae natin na ang ambisyon sa buhay ay maging katulad ng mga nananalo sa singing contest... maging DIVA... ang pinakamataas na chances nya ay maging isang entertainer sa Japan.

Ang mga palabas sa TV ay nag se set ng trends ng fashion... tingnan mo... ang mga misis na pinoy... hanggang sa anak na babae... anak ng tokwa oo... lahat gusto madulas ang buhok... shining parang nagpa salon... Yung headband ng bading look... Yung starstruck and F4 look... The pinay with a white skin look... The bad-boy Robin Padilla antics... The paintellectual konyo look... The tweetums biting the lip look... The mommy na sosyal look...

Point is that... it sets something that we are not... we've been farmers and fishermen during the x number of years before the 20th century... What we have right now is a boobtube culture that makes us do things the way the script writers wants us to be... Never injecting something that is really valuable to us as a Pinoy... a sense of history.

The Japanese have realized this error in the boobtube culture... Now... they are producing animes depicting their cultural heritage and values... Sana yung mga television script writers, producers and owners would at least take some effort in this...

On our end... in our own little way... pwede na sigurong i divert natin ang oras natin sa de-stressful activities such as gardening, sports, board games and reading books. Wala ka namang mapapanood na di stressing sa TV telenovelas, sa talk shows na puro kabadingan... at sa mga pa kontest na di ka naman kasali.

There are other options katulad ng nasabi ko. Kung may espasyo sa bahay mo... bumili ka ng paso... magtanim ka ng kamatis... o di kaya'y mga gulay katulad ng lettuce o pechay... Magdownload ng pirated na libro sa internet o ibang mga worthwhile na basahin... Makipaglaro ng chess o scrabble sa kapitbahay mo anak mo o asawa mo... Walk... walk from your house to farthest sari sari store to buy a pasador, yosi or mani... For your own sake... TURN OFF THE BOOBTUBE AND THINK OUTSIDE THE BOX.

1 Comments:

At 3/28/2006 12:10:00 PM, Anonymous melai said...

ano ba masasabi ko? :)
uhmmn swerte pa pala kami dahil ang tatay namin matyagang nagtataning ng sili at kung ano ano pa sa malalaking paso ..ayun nasa bubungan namin sa tundo :) pag kailangan ng kamatis at may bunga ..may kamatis :) at syempre pa matyaga ring nag-aalaga ng baboy yun .... saka na lang sya manonood pero definitely hindi ang mga palabas sa mga local channels na puro advertising lang :) natatawa ko sa mga huling entry mo kasi ... ganung ganunang buhay namin sa tundo :)

 

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter