Friday, October 07, 2005

ELEMENTS OF A SUCCESSFUL GLORIA BUTT KICKING...

ELEMENTS OF A SUCCESSFUL GLORIA BUTT KICKING...

A. Media Control. It has five major elements.

  1. Radio Broadcast. If worse comes to worst... on the air ka pa din... pag naging super epal si gloria pwedeng pasara lahat ng printing press, television station pero ang radio hinde... pwedeng mobile kasi. wide ang coverage... broadcast penetrates the wall. dapat yung mga putchist merong hawak na radio frequency. Merong anchor na magaling katulad ni Jean Kiethley nuong panahon ng EDSA 1. Sa ngayon... dapat kuhanin si Corina Sanchez... sikat yan ngayon... with co anchor... Amay Bisaya... da eber present loyalist of Marcos.
  2. Texting. Nung panahon ng edsa 1 wala pa nyan... nuong panahon ni erap nung nasipa ang wepax nya... mabilis ang communication... mabilis nauto ang taong bayan nila tabako at ni unano... Now use it against them. Text ng text ng mga gloria jokes... hanggang sa makornihan ang mga ka text... o di kaya mandiri sa pagiging talipandas ng unanong si Gloria.
  3. Telebisyon. Sa free channels... tatlo ang goverment stations, dalawa ang prime channels, apat ang pag aari ng mga relihiyon... etcetera... kelangan lang mamili and secure the area. Ang kuhaning anchor ay buble gum gang... sila Michael V, Ogie, Wendel and the voluptous Ara Mina. Tuwing commercial break ipalabas ang dirty dacing impersonation ni Michael V (as Gloria) and Ogie Alcasid (as Garci).
  4. Dyaryo. Everyday... i headline si Gloria... Gawing numero uno ang Abante sa circulation at ang headlines ay ang mga mahahalay na istorya ni Gloria written by Xerex Xaviera. I ciruclate din ang TikTik magazine... i revive yang alang ka kwenta kwentang magazine na yan.
  5. Internet. Sige lang i forward ng i forward ang mga angst against the gloria administration. Yung mga picture at movie clips na galing sa mga cellphone na may video cam at camera... it should feature the karahasan, tortures... yung mga police brutality na ginagawa tuwing rallies... yung mga panget na angles nila Ermita na mukhang inapakang prunes, si Bunye na feeling Goebells, si Mikey Mouse de Venecia, da ever cynical looking Ramos and the lady dwarf na naka two piece (yuckkkkkkkkkkkkkkkkkk!)... I print nyo pag natangap nyo... ipamudmod sa kapit bahay... sa mga street children.... sabihin na yan ang cause ng kanilang paghihirap at dalamhati.
  6. Landline Telephone. Kumbinsihin ang lahat ng nagtatrabaho sa call centers. Ang lahat ng outgoing at incoming na calls ay patunugin ang Hello Garci na ringtones sa background...


B. Church Component. Dapat merong isang mangkukulam na bumuhay kay Cardinal Sin para pagbabatukan at pagsusundutin ang mga bondat na tyan ng mga obistpong babading bading. At least si Cardinal Sin bago mamatay meron pa ring bayag to stand for what he believes is right for his country. Pag muling nabuhay si Cardinal Sin... magpatawad uli sya ng rally... pero hindi na sa EDSA... sa makati na!! Bukod sa malapit sa malls... malapit sa mga posh villages at mga condo ng mga konyo... hindi na mahirap manghingi ng pagkain during the rally... pwede pang magamit ang mga CR at bathroom ng mga buildings sa makati... and the mayor Binay is such a very accomodating prince of makati... siguradong hindi kayo pagbabawalan... Habang nag rarally... magpapako sa krus si Fr. Robert Reyes... para melo dramatic ang dating... habang tumutogtog ng Wo Wo Weee... o di ba religious ang dating.


C. Military Component. Kung baga sa pusoy... kicker itong component na 'to. Yung mga PMAer na ginagastusan ng gubyerno ng 1.5 million a year per cadet... mag demonstrate ng kanilang military drills habang nagbabarilan.... added attraction yan. Da ever present putchist na si Bossing Gringo togeder wid aspirant of a president Ping Lacson... sumayaw sa saliw ng otso otso wid the sex bomb dancers. Buong tugtog during the coup deta't mga novelties... para yung mga sundalo na nasa kabilang kampo feeling nila nasa eat bulaga o nasa wo wo wee sila... May trivia games to led by da hosts of a bading Arnel Ignacio and Boy Abunda... ang participants ay mga putchists officers.

D. Businessmen... da Indios, the Tsinoys and the Konyos. Bigyan ng mga solicitation letters yang mga mall owners na mga Sy, Gokongwei, Lopez and the Ayalas. Pucha... minsan lang 'to mangyari every six or ten years dapat magbigay naman sila ng food and beverages... Araw araw na ginawa ni Lord kumikita ang mga yan sa mga mallers katulad natin dapat naman minsan minsan makinabang tayo sa free food and drinks... PAAGUSIN ang BEER at GIN!!!

E. Mga politiko.... Mga trying hard na pa idealistic kuno, mga old trapo na sasakay sa agos... Gawan sila ng entablado... hayaang magdadaldal... let them make promises again... more promises... means more to be broken... para meon ulit na coup de tat after six years...

F. ANG MASA. Ang mga masang pilipino na parating inuuto... ginagawang tanga araw araw ng mga politikong pulpol... mga indolenteng indio na walang kadala dala... sige... dumagsa sa national piyesta. Mga palamunin tuwing may coup... taga palakpak pag merong nangangako tuwing may coup de tat.


Ayan... pag napag halaw halaw nyo yang mga components na yan... successful ang butt kicking project natin. Pero... mabuti pa magtanim na lang ako ng kamote... gabi at ube...

1 Comments:

At 11/25/2009 07:13:00 AM, Anonymous Anonymous said...

jetsjeepney.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading jetsjeepney.blogspot.com every day.
payday loans edmonton
online payday loans

 

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter