Monday, July 11, 2005

Mga Minamahal kong Obispo

Nuong ako'y nasa seminaryo, dinadalaw kami misan isang buwan ng isang obispong pagkalakilaki ang tyan. Hirap na hirap makababa sa kanyang mercedes benz dahil bukod sa bondat nyang tyan... meron pang rayuma. Tuwing dadalaw sya sa seminaryo kami ay sasalubong sa kanya at hahalik sa kanyang singsing. Habang nagmimisa, ginagawa nyang patungan ng misal ang kanyang bondat na tyan.

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makarating sa kanyang PALASYO. Aba. Parang mini makalanyang and he lives like a prince. Me drayber, may maid, may mga boy. Ang sarap pala maging obispo. Kaya naman pala bondat ang tyan nya dahil sa tingin ko KATUGA ang buhay nya. KAIN TULOG GALA. Alam ko kapit bahay nya din si Mayor Sanchez at number one donor ng palasyo. Kaya naman nuong nagkaroon ng trial si sanchez di man lang gumawa ng official stand against that scumbag.

Meron akong kapatid na naging pari na rin pero naalala ko ang hirap ang dinanas ng aming pamilya dahil sa mga desisyon ng obispong ito. Nasuertehan ko lang dahil nung panahon ko sa seminaryo ang mga nakalagay na kaparian duon ay mga pro-active na pari. Kaya naman ang buhay namin sa seminaryo bilang mga kabataan sa early teens ay masasabing balanse hangang makatapos ako ng hayskul. Ngunit nuong nag desisyon ang obispo na isasara nya, ang pinamahala nya ay isang paring sadista at isang paring halos walang pakialam sa mundo at di naliligo. Good combination to make young people rebel. Dahil sa direksyon ng maling pamamahala ng seminaro ang mga kabataang seminarista ay di gaanong na manage ang kanilang enerhiya.

Minsan merong isang seminarista na nahuling namumutangina, ang ginawa ni Sadist Priest sa bata ay pinaluhod sa gitna quadrangle sa tabi ng chapel at pinasisigaw sa kanya ang salita na PUTANG INA... sigaw sya ng sigaw ng PUTANG INA habang nakaluhod sa may kapilya kasi yun ang parusa nya. It maybe funny pero it made you think twice... what kind of punishment is that? At ang tarantado mahilig manuntok.

Marami pang similar stories na nakakatawang isipin pero ang pinakamalagim na nangyari sa seminaryo dahil sa mismanaged libido ng mga kapatid ko at mga kasamahan nya, it led them to start a fraternity and eventually started hazing one another. The saddest part of the story is that when this sadist priest found out... Pinauwi ang mga mokong ni walang abug abug sa mga magulang nila... Pinalayas without discussing the matter with the parents. Seven young people in their early teens... takot sa magulang... pinalayas sa seminaryo... walang destinasyon... isa dito ang kapatid ko na naging pari ngayon.

To cut the story short... bishop bondat sided with the Sadist Priest... so ano nangyari sa pari na 'to... nagnakaw ng mga antique na rebulto sa Majayjay, Laguna... na NBI... lumabas na sa pagkapari at naging isang hamak na tricycle driver na lang. What happened to my brother's brat pack? In the history of the seminary, their batch has produced the highest number of priests. Priests and non-priest in their batch has produced good men excelling in their own field or profession. Tama na at baka lumaki ang ulo ng mga yan.

Yan ay nuon...

About 2002, i had a chance to organize my co-alumnus and found out that the bishop at that time erected a new palace near the San Pablo Cathedral... WOW... it's grand. The architect told me that it's around 17 million pesoses... grabe... yaman... sossy. What in the hell is this bishop thinking? The Catholic Church talking on the context of "a Church of the Poor"... yet it's bishop who's supposed to lead its flock lives in a grand palace... parang mini malakanyang.

I can say other tsismis... hearsays about my beloved diocese... pero I love my church... My point is that just for the sake of the sons and daughters of this present generation... you bishops... in all of the grandeurs of your palaces, in all of your oppulence... DO WHAT IS MORAL... DO WHAT IS JUST... request gloria to step down.

Gloria may have or have not cheated... The Three Stoogees of Jueteng... Mikey, Iggy and Mike Arroyos may or may not have accepted jueteng payola... but there is already a cloud of that they may have done it. When there is doubt step down... clean up... then step up again. Ang kawawa po mga minamahal naming obispo... ay yung mga anak namin... PWEDE DAW PALANG MAGKAROON NG LEADER NA PINAGDUDUDAHAN NA SINUNGALING, MANDARAYA AT MAGNANAKAW...

1 Comments:

At 7/11/2005 05:04:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mukhang seryoso ang dating ng dakilang drayber...hehehe

 

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter