Sunday, July 17, 2005

7.50 na Minimum Fare... taymis 2 ... pambili ng kalahating kilong bigas

Nakopow.... di na kailangang mag propaganda pa ang opposisyon dahil sa pamasahe pa lang na seven pipty minumura na si Gloria everyday ng mga pasahero ko. Oo nga naman... dahil yung dating 5.50 na minimum fare na ang roundtrip ay umaabot ng 11 pesoses, ngayon ay fifteen pesoses na. Bechabaygolly wow!! Pambili ng kalahating kilong bigas... o di kaya'y sampung pandesal na puro hangin. Ano ka ba naman Gloria... parang di ka nag iisip. dati ang taas ng pamasahe ay bentesingko , sinkwenta o piso lang... Na reach mo ang Guiness Book of World Record na ang fare increase ay TWO PESOSES... from 5.50 to 7.50. Napakasakit sa bulsa ng mga maralitang taga lungsod.

Yung mga may utak at mga pa intellectual epek na tao sa pilipinas naiintindihan ang increase ng fare ay brought about by the Global trend ng gasoline increase. Yung iba sabi ang increase na 'to ay sanhi ng high demand of oil products ng China at yung idinulot na imbalance ng supply dahil sa invasion ng US sa Iraq. Pero hindi naman sana dalawang piso ang ginawa mong papogi points sa aming mga tsuper ng jeepney. Piso piso lang. Ayan tuloy kung mag abot ng pera ang mga pasahero ko parang binabato.

Ang Masa kahit anong black propaganda na gawin mo sa dyaryo at kung ano mang gimik mo na AY EM SORI ... AY EM SORI... walang sori sori sa kanila... ang tingin pa rin... isa kang epal. Ikaw ang sanhi ng price increase. Binukulan mo na sila sa pamasahe... IDINAGDAG MO PA ANG LINTEK NA E VAT na yan!!! ANG RESULTA GUTOM!!!

yung mga obispo na nag fence sit sa issue ng GloriaGate at HuetengGate mo, na di nakakasakay ng jeepney at binobondat lamang ang mga tyan nila sa kanikanilang mararangyang palasyo... ayaw kang pababain. Overdue ka na! Stef down flis.

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter