Saturday, June 11, 2005

THE TJODA Beauty Contest Part 4 - Jueteng Scam

Di pa nagsisimula ang contest, marami nang nag angalan na mga families, friends and relatives ng mga TJODA members... Kasi yung isang anak ni Simeon Habatiti sa pangatlo nyang asawa ay mukhang isang daang booklet ang binili at na isulit na rin. ITIGIL ANG TJODA BEAUTY CONTEST!!! Yan ang sigaw ng mga tsuper ng TJODA. JUETENG money daw yun! Anak ng pitong kuba oo... Ang pinoy talaga di mo malaman kung kelan magpoprotesta... Syempre si Simeon ang kubrador ng jueteng... natural jueteng money yun...

I later found out from the Dyaryo ng Abante na sila Mike, Mikey at Iggy relatives ng presidente ay nasa limelight ng mga balitaktakan sa media at senado. Tawag nga dito ngayon sa tatlong yan ay THREE STOOGEES OF JUETENG. Ang pinoy pala pag may nangyayari sa bigger picture i re relate nila sa smaller picture... kaya sa TJODA... they are trying to make a drama na ipako sa krus si Simeon da Barker kasi akala ng mga makikitid ang utak... altruistic ang pinaglalaban nila.... Sabagay alam na nilang talo yung mga anak nila tapos ginastosan pa yung mga gowns and fake crowns.... there has to be an issue... a drama. Para makumpleto ang drama, ginawa nilang si Mang Rene, Mang Mundo at Simeon ang Three Stoogees of TJODA Hueteng Scam. Wow! Buti na lang di ako nadamay.

Ayan tuloy nagkagulo ang Beauty Contest... mukhang hindi matutuloy hanggat di naiintindihan ng mga TJODA members magkaibang situasyon yung sa Philippine Goverment at TJODA....

Masyadong madrama.

2 Comments:

At 6/12/2005 08:13:00 PM, Blogger eevlezah said...

hi Jet!

what does TJODA mean?
sorry for my ignorance.

thanks,vee.

 
At 6/13/2005 07:21:00 AM, Blogger jethernandez said...

TJODA stands for TALON JEEPNEY OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION.

 

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter