Saturday, June 04, 2005

Raket ng MMDA... Network Marketing

Nahuli ako one time ng isang MMDA dahil beating the red light daw ako. Pinatabi ako at sabi... Alam mo brod pag tinekitan kita perwisyo yan. Magseseminar ka sa Camp Crame. .. tutubusin mo lisensya mo... mahal ang gagastusin mo... Bukod sa oras na nasayang... Mahigit na isang libo ang magagastos mo. Ano gusto mo? Perwisyo o kumita?

Hindi ko naintindihan yung pailalim na banat ng MMDA hanggang yun pala nag nenetwork marketing ang kumag at ang product ay VIRGIN BANANNA OIL. Shet, basta pag nag attend daw ako ng seminar sabihin ko ang name nya. Pinabili na nya ako ng product at nung application. MAMA MIA! Sabagay if I do the business kita nga naman ako... Wala akong choice kundi maging downline. Mas mura kesa ticket... besides pwede ko ring ma raket kila Mang Mundo at Mang Rene. May Viagra effect daw ang VIRGIN BANANNA OIL at iniinum ng mga matatandang malilibog na artista. Sige... Downline na kesa Ticket.

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter