Sunday, June 05, 2005

Mga Pasaherong Makakapal ang Mukha at di Nagbabayad ng Pamasahe

May mga taong sumasakay ng jeepney pero di nagbabayad ng pamasahe.

1. Holdaper. Bukod sa di pagbabayad ng pamasahe, nililimas pa yung mga gamit ng pasahero, simula sa cellphone, handbag, pinamili sa palengke, singsing, hikaw, wallet at mga binalot na merienda at pananghalian. Isama nyo na rito ang pinagpasadahan ng tsuper. Sa ngayon ang mga holdaper ay namimili na rin ng lilimasin. Pag ang cellphone mo ay cheapipay katulad ng Nokia 5110, 3210 o di kaya 3215 ibabato ulit sa mukha mo. Sossy na din ang mga holdaper ngayon.

2. Mga pulis, trapik enforcers at MMDA. Ang peyborit spot pa ng mga yan ay sa unahan. Pag naka uniporme yang mga yan asahan mong feeling nila sila ang may ari ng Pilipinas habang nakasakay sa unahan. Buti nga kung mag te tenkyu sa 'yo pag baba.

3. Mga kakilala, neybors at kamag anak... Ok lang naman yang mga yan... pero minsan abuso. Kunwari magbabayad... Ikaw naman syempre dahil nahihiya... isosoli ang bayad. Kung hinde... masama ka na sa paningin nila. Gagawan ka na ng tsismis.

4. Mga Officers and Members of TJODA. Protocol na yan. Pagsiningil mo yang mga yan magagalit sa 'yo sasabihi'y wala kang pakisama.

Pag naisakay mo yang apat na klaseng taong yan... sira ang pasada mo.

2 Comments:

At 6/06/2005 10:45:00 AM, Anonymous mong said...

meron din naman yung mga talagang nakakalimot magbayad, meron din talagang walang pambayad katulad ng mga mahihirap at ilang estudyante

 
At 6/06/2005 05:30:00 PM, Blogger "J" said...

Hehehe, hirap pala ng buhay ng isang drayber. Kanina lang, nainis ako dahil hinihintuan lahat ng kanto, male-late na ako.

 

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter