Monday, June 13, 2005

DYARAN.... Butong Pakwan

Ang paboritong ngasabin ng mga drayber sa terminal ng TJODA ay... BUTONG PAKWAN. Wag nating hamakin ang buto na 'to dahil mas powerful pa to kesa mani, chicharong (bulaklak, bituka o balat), green peas o mani (buhay o pinirito). Ito ang kanilang birtud o agimat kasi dahil dito na nakuha nila ang kanilang mga asawa at mga kabit.

Habang nagpapahinga kaming mga jeepney draybers makikita mong nagkukukot kami sa aming mga upuan ng butong pakwan. Sa lahat kasi ng mga pagkain... ito ay merong excitement. Biro mo kelangan mong biyakin ang butong pakwan para makuha mo ang white meat sa gitna ng dalawang magkapatong na black outer coat nito... tapos sabay dila sa nasa gitna na kulay puti... sabay nguya... saba lulon... tsalap... ang masarap dito ay yung proseso ng pagkain. Parang laging may reward pag nakakabukas ka ng butong pakwan. At dahil itim ang nasa labas... parang psychologically you need to break it open to get the good portion at itatapon mo na afterwards yung mga itim na part ng buto... Sa pinoy parang philosophical ang dating ng pagkain ng butong pakwan... LAGING MAY EXCITEMENT.

Pero... hindi yan ang basic purpose ng pagkain ng butong pakwan sa terminal ng mga drayber... ito ay para mang attract ng tsiks.... kasi ang mga babae... pag nakakita ng butong pakwan... at nginunguya ng lalake... merong kakaibang dating na parang kumikiliti sa imahinasyon nila... tatakam tatakam... naglalaway... habang binibiyak ang butong pakwan. Tapos bigla silang aalukin ng drayber... patay kang bata ka... at dyan na po nagsimula ang mahabahabang kwentuhan... habang nagsasalo sa DYARAN.... BUTONG PAKWAN....

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter