Tuesday, May 31, 2005

Tsami... Leaving for Japan

My beloved partime pahinante will be leaving for da land of the Rising Sun. She's among the 2,400 filipinos leaving da Piripins everyday. I went to her house for her despedida... andun yung mga common friends namin na co-workers ko sa entertainment agency and they were busy hitting the notes while holding da karaowke magic microphone... Since most of them are girls... Dalawa ang national anthem ng mga yan... "I WILL ALWAYS LOVE YOU" ni Celine Dione at yung "CRAZY FOR YOU" ni Madonna. ... "INDAY HA HAY WILL ALWAYS LAB U WOOO WOOO"... "Kraysi por you.. tats me wans and yo now ets tru.... ". Di ko alam kung bakit paulit ulit nilang kinakanta yang dalawang kanta na yan... Just like their male counterparts na ang national anthem naman ay "MAN WITHOUT LOVE" ni Englebert Humperdick... di sila nagsasawang gas gasin ang mga taenga nila sa paulit ulit na pagkanta... Siguro ganyan talaga ang kultura natin... laging may theme song... just like mang Mundo... isa lang ang collection nya... iba't ibang version ng pagkakakanta ng UNCHAINED MELODY...

Si Tsami feeling nya graduation nya... at last matutupad na rin ang kanyang pangarap na makatulong sa mga half and full siblings nya. Kaya ang gabing yon parang Tsinobela. Di ko malaman kung babatukan ko yung nakababatang kapatid nyang binatilyo na habang nakayakap ay umiiyak ... "huhuhu... ate... ingat ka dun ha... huhuhu... wag mong kalimutan ang size ng paa ko... huhuhuhu..." lecheng buhay to... manghihingi lang ng pasalubong nag i inarte pa.

Tsami is like a sister to me... pero minsan dahil sexy... nahahaluan ko ng pagnanasa. Sobrang ano kasi ng ano nya... at yung ano nya ang ano... grabe. Pero what a pity. Her only dream is to go to Japan and marry a rich Japanese.... and while doing that, she has to literally dance her way through. Sa kanya parang prince charming ang mga sakang na yan. Sabagay di bale nang sakang at may pera... kesa pinoy na nagtatrabaho sa PilMag (Piling ng Magulang).

Buti naman napaka supportive ng Gobyerno natin sa mga katulad ni Tsami. Tinatawag pa nga nitong "MGA BAGONG BAYANI"...

Naalala ko pa nung sinasamahan ko si Tsami sa pag aasikaso ng mga requirements nya. Yung pabalik balik namin sa mga goverment agencies katulad ng NSO, NBI, DFA, DECS at Malacanyang. Puro authentication... anak ng pitong kuba... yung highschool diploma nya na naka laminate na parang lapida sa sementeryo i a authenticate pa. Hindi ko makita ang logic after going through all this authentication process sa mga nasabing agencies... she has to go to Malacanyang... to re authenticate. Bukod sa sinanlang bahay, kalabaw at kaluluwa ng mga aspiring japayukis... paalis na lang sila pinapasakitan pa sila ng gubyerno... Tama si Mang Mundo... Mahal na mahal ng Dyos ang mga pinoy. Pag nag hihirap ka daw... mas lumalapit ka sa Dyos... Kaya ng matapos ang mga requirements ni Tsami and after paying the recruitment agency's head hunters... feeling nya naka graduate na sya ng Doctorate Degree....

I have to look for another pahinante...

3 Comments:

At 5/31/2005 01:49:00 AM, Blogger jethernandez said...

sori... si Whitney Houston pala kumanta ng INDAY WILL ALWAYS LAB YOU

 
At 5/31/2005 02:25:00 AM, Anonymous bonnie andres said...

Naguguluhan di naman ako sa gubyerno natin; halos maglupasay ang mga taga DFA at DOLE sa pagmamakaawa sa Japan na wag pauwiin ang mga "entertainers" natin na sinabi ng Japanese Gov' na 85% daw ay pokpok o ginagawang sex slaves ng mga Yakuza.

Samantalang kinukulong at nire-raid ang mga Cybersex dens na kung tutuusin mo safe mga babae dun at hindi sila nahahawakan ng customer; malayo pa sila sa sakit.

Mas magaling pa siguro na ito ang gamitin ninyong "fund-raising" project ninyo.

 
At 5/31/2005 07:48:00 AM, Anonymous Bobet said...

Mang Jet

Pwede bang malaman ang email address ni Tsami.

 

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter