Thursday, May 19, 2005

The TJODA Induction

The TALON JEEPNEY OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION aka TJODA.

Nakakatawa naman itong induction ng mga officers and new members ginawa pang Martes. Nagtataka ako dahil bakit hindi Sunday o Saturday ang rason… marami ang color coding ang jeepney pag Martes. Logical lang naman according to Mang Mundo… isang matandang frustrated na accountant/economist na TJODA internal auditor. Isang matandang binatang malibog na bigotilyo… Meron syang limang jeepney at sya mismo ang pumapasada ng isa. Lahat ng Jeepney nya ay may painting ni Alma Moreno on both sides… ang rason nya… si Alma Moreno is the epitome of a very fertile woman. Very Filipina. Sheet… what a logic… sabagay si Alma ang merong pinakamaraming panganay na anak. Next time naman daw si Cris Aquino ang ipipintura nya sa susunod na set ng jeepney nya…. Kasi si Kris Aquino daw ay idol ng mga kababaihang pinay because she has what the Filipinas do not have… kapal ng mukha at pagkamaarte… . And why not Gloria Macapagal Arroyo? Tanong ko one time… kasi si Gloria daw ay hate ng mga pilipina dahil she has what they have... maitim… hindi nag i iskin whitener… may nunal (ala nora aunor)… at may F and P syndrome… Grabeng mag isip si mang Mundo… nakakaTanga.

Mabalik ako sa induction. Eto ang handa… sheet… nagpacater pala si Aleng Rose… pangatlong kabit ni Mang Rene at nanay ni Lyn… Talaga naman si Mang Rene… corrupt. We were charged P150 pesos tapos ang pagkain lang ang walang kamatayang Goto, Tokwa’t Baboy, Isaw, Tinuhog na Dugo at Addidas… hindi pa buffete!!! Waaaaaaaaaaa!!!!! Buti na lang medyo maraming sago yung palamig.

Ka date ko that night ang aking pahinante na si Tsami. Ang seksi ng dating… naka elevator slippers na five inches at naka Tshirt na bitin na kita ang pusod with matching pants na kita ang label ng panty nya na Hanes… Palakpakan ang mga kapwa ko jeepney driver ng ako ay dumating… feeling ko ako si Michael Jay Paks… hehehe…

I never bothered to listen to the host na bading na pamangkin ni Mang Rene at sinimulan na ang tagayan ng GSM blue… Ginebra San Miguel Blue … hehehe… Wala akong na recall kundi inuman at sayawan na sweet habang kumakanta yung mga kakosa ko ng mga Englebert Humperdick at Tom Jones songs sa Video Oke machines na hinuhulugan ng limang piso. At pag nagsimula nang kumanta ng slow rhythm na songs such as The Way it Used to Be, Man Without Love at Ellusive Dream bigla ko nang hahatakin si Lyn sa pag sisilbi nya at isasayaw ng Sweet… hehehehe… di ko nga alam kung hinalay ko o hinde… basta alam ko lahat ng kanta na sweet isinayaw ko si Lyn.. Medyo naalala ko sabi lagi ni ni Lyn “Koya Dyit Tapus na ang togtog” saka lang ako uupo. Si Tsami naman pinagkaperahan ko nung gabi… sabi ko kasi sa kanya pwede lang syang isayaw pag may bayad na sampung piso… E dahil maraming manyak that night… naka almost 900 pesos kami… hehehehe… Paraparaan lang yan… Walang hiyang induction yan… Inuman lang pala… Kaya ako umuwi solved!!!


0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter