The Story Of Simeon the Terminal Barker / Jueteng Kubrador
Ang pinakamalakas ang raket sa terminal ng TJODA ay si Simeon Habatiti... Dispatser na Kubrador pa ng hueteng... Isang former bugaw (pimp). Sabi nya nuong araw alam mo kung sinong prostitute dahil pag gabi, kung pustura ang babae at bagong ligo at sumakay sa jeepney 99 percent nagtatrabaho yon as entertainers sa bar. Ang tanong lang nya bago sumakay... "Miss sa'n ka sumasayaw?" Ngayon dahil iba na ang ikot ng mundo... baka daw sya masampal pag tinanong nya ulit yun dahil marami nang pang graveyard shift na trabaho... Katulad ng call center employees, factory workers,mga IT professionals at hospital workers. Kaya sya nag shift ng career ay dahil hi tech na daw ang pimping ngayon sa mga chat rooms na lang. pati tawag sa prostitute E-HIRE... wow... reality bites.
Magimik si Simeon. Bukod sa pagiging dispatser nga nya ang mga suki nya sa jueting ay mga pasahero at jeepney drivers. Guess what... since remmitance center na ngayon ang jueteng networks sa pilipinas... may extra income pa sya delivery ng mga remittances nito.
Simeon also operates a karaoke machine na katabi ng terminal na gasgas na sa bagong national anthem ng mga pinoy videokers na "MAN WITHOUT LOVE" ni Englebert Humperdick. Along with da karaokes are two billiard tables.. billiards... favorite past time ng mga tambays na aspiring EFREN BATA REYES wannabes.
At dahil sya ang dispatser... sya ang taga distribute ng mga tong sa mga Pulis patola at Pulis patani at mga pulis pulisan na mga traffic enforcers. Yayaman to si Simeon. He is in the three most lucrative industry in the Philippines... Transport... Showbiz... and Gambling... hehehehe...
He is being groomed by the Mayor to run for Barangay Captain. Good choice daw yang si Simeon dahil bukod sa masipag na instrumento ng corruption... magaling pa sa public speaking... kasi sa araw araw ba naman sa kasisigaw sa terminal... ng "ALABANG, ALABANG!!!"... di na nya kailangan ng loudspeaker. Takot ang mga pasahero sa kanya dahil ang features nya ay kombinasyon ni Max Alvarado at Pipoy ng Okey ka Fairy ko. Inis at takot ang nadarama ng pasaherong matataba pag nasabihan na sila ni Simeon... "MISS, UPONG PANG ISAHAN LANG"...
MABUHAY SI SIMEON!!! Ang pag asa ng Pilipinas!!!

0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home