Thursday, May 05, 2005

My First Day

ANAK NG PITONG KUBA!!!!!!!!! Kung di ka ba naman nga mamalasin... unang araw ko bilang full pledge member ng TJODA (Talon Jeepney Operators and Driver's Association)... COLOR CODING PA!!! buset. Kaya eto... hanggang alas syete lang biyahe ko. Pwede na rin. Sheeet. Sarap palang tumingin sa rear view mirror. wooooooooooooo.... naglalakihang hmmmm. Para rin pala akong nag ta trabaho sa agency ng mga entertainers bound for japan. GRRRRRRRR. Dito pala nakukuha ni mang Rene ang powers nya. Early in the morning... mga Makati bound working girls.

"Mama bayad po.", sabi nung sexy na nasa likod ng driver seat ko. Bwena mano... syempre pag bwena mano sabi ng mommy ko ilagay sa erinola (piss container) para swerte. Pero tekaminit at nagdalawang isip ako... ang bango pa naman ng pera dahil sa halimuyak ng cologne nung P5.50 na barya... ilalagay ko kaya sa erinola ko? Sabagay binanlawan ko naman e di na siguro mapanghi. Pinatak ko yung barya. My first income for this new career.

Pwede na. Dahil siyaman ang sakay ko. Puno mula terminal. I had a gross of P110... a hundred and ten pesoses... sheeet not bad. Me pang krudo na ako. Tapos sampung piso sa dispatser o barker na si Simeon. Walangya pala boses ni Simeon... napakalakas.... "ALABANG, ALABANG!!!" Next time magdadala ako ng bulak sa kaliwang tenga ko para di ako mabingi.

Bumiyahe ako hanggang alas sais y medya. Naka tatlong biyahe din. Sabi ni Simeon di daw pwede talagang lumabas ang numero ko kasi may mga TMG (Traffic Management Group) na nag ooperate sa main road. Mga buranak talaga oo... pero pwede nang bwena mano ... Isang daang pang Krudo at dalawang daang pang boundery... Pag katapos kong bumiyahe nag pasya akong mag almusal ng Goto dun kila aleng Rose like the usual routine ko.

Sheeet ang sakit ng kanang kamay ko kaabot ng pera! Oh my gulay! At mukhang nag ka stiff neck na rin ako. Paano na si Mariang Palad. Huhuhuhu. Kelangan ko sigurong alagaan si Mary Palmer sa kaliwa. No wonder why lahat ng jeepney driver kaliwete kasi masakit ang kanang kamay kakaabot ng bayad at sukli bukod pa sa kakambyo. Buti na lang at merong nanghihilot na bulag na donation lang ang bayad kaya pinahilot ko leeg ko at kamay ko. At naisip ko rin... kaya pala suki ng sauna bath ang mga jeepney driver ay masakit naman pala talaga sa katawan ang magmaneho.

At least sarili ko oras ko ngayon at wala akong amo. Belat na lang sa mga kasamahan ko sa agency. At least walang sumisigaw sa akin kundi si Simeon lang. Di katulad sa agency, yung among si Mang Bogart na saksakan ng libog sobrang makasigaw sa empleyado nya. Di naman sya matapobre o masamang amo... bingi kasi e kaya pasigaw magsalita. Kung di ka sanay akala mo galit sa 'yo.

O sige. Sign out muna ako. Sa wakas I have more time for myself dahil I am my own boss.

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter