Monday, May 23, 2005

ANG HANDLE BAR SA GITNA NG JEEPNEY - The Most Tortured part of the jeepney.

Ang handle bar sa gitna ng passenger jeep is the most interesting object sa loob ng sasakyan na 'to... Ang bawat pasahero ay di pwedeng hindi humawak dito. siguro'y nasanay na sila sapul sa pagkabata na dapat kumapit sila dahil ang mga jeepney drivers ay walang pakundangan sa kanyang pagpreno. Pag di ka nakakapit ay sisiksik ka sa katabi mo pag nagprenong bigla ang tsuper. But this is not what interests me.

Bago kumapit ang pasahero sa handle bar ay siguradong may pinangalingan ang kamay nila. Pwedeng sa ilong, sa mata, sa tenga, sa bulsa o sa kilikili... Pag galing sa ilong ang kamay, siguradong may kasamang galing din sa ilong na object either sipon o kulangot (ewwwwwwww). Pag galing naman sa mata... lalo na pag umaga... siguradong may kasamang muta. Pag galing naman sa bulsa... either na kumuha ng pera o may kinamot sa loob ng bulsa... Ang mga pinoy mahilig mag cross arms na nakalagay ang hands nila sa kili kili nila... kaya pag may putok yung passenger... nabahiran na rin yung handle bar ng putok... pag gabi... 2 out of ten passengers ay lasing na umiihi sa pader... since hindi naghugas yang mga yan you could just imagine pag hinawak nila yung kamay sa handle bar amoy ihi... hehehe... kung ikaw si Kris Aquino you would say "ITS SO YUCKY, EWWWWWW"...

Pero ano ang iyong choice? Pag nag preno bigla... bigla kang mapapakapit sa handle bar... mag slide pa ang kamay mo... hehehehe...

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home



Free Hit Counter