MY NEW CAREER
Guess what... I ventured into the jeepney driving business. Dahil sa hirap ng buhay ngayon... kelangan ko ng fallback. I'm planning to retire early and resign as entertainment laison officer na isang entertainment consultancy for the japayuki wannabes. Hirap na baka magka aids ako... kahit nakakaaliw manood ng mga a payb six seben eight na dance routine... i need cash. Mahina ang kita sa entertainment industry.
There are two reasons why I planned this raket. Una dahil gusto kong di magbayad ng lecheng tax na kinakaltas ng gubyerno wala namang nangyayari sa mga kalye... baku baku pa rin... besides ang jeepney driver exempted sa pagbabayad ng buwis. Pangalawa, idol ko si mang Rene... yung tatlo ang asawa at lima ang kabit. Grabe... jeepney drayber lang yun. Malakas talaga siguro ang kita biro mo dami nyang babae... e mas lamang naman ako sa paligo sa kanya... kalbo na kamukha pa ni pipoy. sabi nya birtud nya ang dila nya at bigote nya... kaya daw sya nakalbo. Lagi daw syang sinasabunutan ng babae. Totoo nga siguro... it's not with the looks... it's with the performance.
Hay nako... i can go on telling stories about my idol and mentor... pero eto... kakalabas ko lang ng jeepney ko sa Armak motors. Di ko gusto ang design. Langya mga pangalan ng di ko kilala ang nakalagay sa bubong ng jeep... papalitan ko bukas... Ilalagay ko ang mga pangalan ng sex bomb dancers... tapos papa drowingan ko ng sexy na tsik sa gilid... Tapos may caption na "basta drayber sweet laber"... palagay o ok na yun. Ipapalagay ko na rin ang aking sub woofer na halos parang lumilindol pag tumunog. Type yan ng mga bagets ngayon.
Tsk tsk tsk... gastos... pero sige... may rewards naman in the end. Ooops... kelangan ko pala ng maliit na santo ninyo sa may windshield ko at sabitan ng sampaguita at everlasting.
Till then...
Jet Hernandez
