Tuesday, October 10, 2006

Economics 101-a Maslow

Never had a degree in economics. Pero economy is down and not in every inch going up. Since it's plakda to the max... isang malaking dirty finger para sa presidente na ekonomista na graduate ng University of the Philippines.

I was planning pa naman to have a post graduate degree sa economics pero ngayon nagdadalawang isip ako... bakit pa? Pag aaralan mo lang naman dyan ay mga standard semantics para magkaintindihan kayo ng mga kunwari intellectuals na mahilig gumawa ng modeling eklats. Sa Economics 101 simple lang ang basics... Law of Supply and Demand. Differences between Rarity and Scarcity. Surplus, GNP, GDP... etc...

Sa ordinaryong pipol simple lang... pag walang pera walang panlamon. Pag walang panlamon.. gutom... at pag nagtutom... gumawa ng raket para magkapera. Maslows heirarchy of needs... di ba... Food, clothing and shelter ang nasa unang tatlo. Sa tagalog... kelangan ng tao na lumamon para di kumulo ang sikmura... kelangan ng taong takpan ang pag aari nya para di maimpeksyon ang gamit nya para makipag sex at magparami... kelangan nyang matulog at magpahinga pagkatapos nyang makipagsex. Pag di nyan na meet ng more than half of the majority ng isang bansa... ano ang resulta? Famine... e gutom lahat e... Walang procreation... di na pwedeng magsex may infection na ang mga sexual organs ng tao dahil wala nang damit (nilalangaw o kinukuto)... May mga iba't iba pang sakit kagaya ng cancer dahil wala nang matinong matirahan dahil nagkakanakawan.

Ang magandang ekonomiya ay isang scenario na walang nagugutom... lahat ay may maayos na pananamit para maka seduce ng opposite sex... at lahat ay may bahay na natutulugan ng mahimbing... The million pesoses question is this... Do we have this kind of scenario? Hmmm... itanong mo sa buwan...

Saturday, October 07, 2006

Milenyo Effects

Wow it's been a long time. Missed blogging.

It would take a storm and another week to check out this site.

Hmmm... the storm... yes the storm...

Naputol ang mga puno. Nawalan ng kuryente pati na rin tubig. What could be worse than the storm? Ang lintek na pagnanakaw ng mga transformers sa mga urban poor areas... sa mga squatter areas. Ang ironic. Sila pa rin ang unang kinabitan ng transformers at unang nagkailaw sa mga legitimate homeowners na nagbabayad ng taxes. Guess that is what their votes are for. Milking cow ng mga politiko pag election. The legits on the other hand ay milking cow after the election... we pay the taxes. They pay with votes and they get paid for that... dapat magkaroon na ng class cleansing. These people are just there to fuck and multiply and bear the future magnanakaw, mandurukot and mamatay tao.

Are we really sure the country is getting well? Siguro... it's getting to the well... down the drain. Come to think of it... ang mga pesteng yan ang nag luluklok sa mga politicians na namamahala ng bansa natin. Hinahakot at binabayaran during election... ginagawang mga watcher... at vote padders... Do you think this country would be better off if they are not a part of the equation. I'm sure... Titino ang mga politicians. Haaay... nako... Asa ka pa.

Thursday, April 13, 2006

Tips: Joining Mailing Lists, Listserver and News Groups

1. Know the objective of the mailing list. If it does not in anyway tickles your interest and imagination don't (join)... it will just be a waste of bandwidth to receive emails with contents that does not even make you mind tic... waste of time putting them in the trash bin.

2. Know where the moderators stand on issues. Moderators sometimes do some power play. Yung mga nerdy nerdy type of moderators who couldn't take the beating would just put you in moderation mode or simply unsubscribe you. Yung ibang naging moderator lobbies with the list server gods and goddesses. Mga sipsip ba. It's pointless to argue with them. Mga traidor yang mga yan sa tunay na buhay... hehehe... Mga taong insecure yan sa tunay na buhay... Power tripper ika nga... Just let them be kasi one way or another mabibisto din ang tunay nilang pagkatao... Manalangin ka na lang na totoo ang karma...

Pag kakampi mo ang moderator tirahin mo ang dapat tirahin... hehehehe... pero easy lang baka ikaw ang makarma. Concentrate on issues and not personalities.

3. Speak your mind... this is the internet for christ's sake... Mabubulok yan... Slightly used brain but badly damaged kasi kinalawang na. People needs to understand what you feel and where you're comming from. Maraming rhetorical magsulat... mahahaba... magagaling mag ingles... pero kung isa summarize mo... wala namang sinasabi... don't do that... make it brief and simple.... Make fun of his ideas if you do not agree with him...

4. Wag na wag kang makipag eyeball... Worst case scenario... pag opposite sex ang ka eyeball mo malamang sa kama ang bagsak nyo. Pag lalaki... you'd be civil to one another... wala nang avenue to explore things through arguments and rhetorics. What is read in the net... stays in the net... superficial ang mga tao sa chat at mailing lists... they are not what they write...

5. Enjoy writing. Don't be such a crybaby. Know when to stop and to give up... Pag ikaw ang nagsimula ng away... bad yan. Make sure na hindi ikaw ang nag draw ng first blood... Write in the most comfortable language/dialect that you can express yourself vividly... Taglish... kanto boy english karabao... Enjoy it...

Mag blog ka na lang kung ayaw mo sa mailing list. Sa blog ikaw ang dyos... pag interesting ang blog mo... maraming magbabasa sa 'yo. Pag walang kwenta ang articles mo... di ka na babalikan. Don't worry about comments kung meron o wala. Meron namang hit counter para ma monitor kung may nagbabasa o wala. Comments are not benchmarks na maraming nagbabasa ng blog... So mga kapatid sa pananampalatay kay Allah... Hasalaam Alaykum.

Monday, April 03, 2006

Feeble Minded Ordinary Pig and the Thinking Wild Baboyramo


Sa buhay dapat meron kang logical mind. Pag wala... para kang ordinary pig. Ang pig na ito ay gusto na lang lumamon everyday. Hindi nag iisip. Kain na lang ng kain ng mga darak na isinasaksak sa kanya. The ordinary pig is happy kasi kain na lang sya ng kain... walang ka effort effort kasi nasa kulungan sya na compartamentilzed. Defined na defined ang buhay ng ordinary pig. Pag babae at magandang lahi... paanakan (sow)... Pag lalaki at magandang lahi... barako. Pag barako ka o paanakan... wala kang gagawin kundi lumamon ng lumamon at makipagsex... para magproduce na anak ng mga biik. Ang mga lilitsunin... ay pinapalamon para katayin... Di ka pwedeng mag sex... pero ok lang sa mga lilitsunin yan kasi lumalamon naman sila... in the end... these all types of pigs DIE A HAPPY PIG. Their only purpose in life is to EAT, HAVE SEX, DIE and BE EATEN... wawa naman the ordinary pig.

Ang ordinary pig... walang pakialam sa logical thinking. Ang alam nya basta lumalamon sya everyday he already serves his purpose. He doesn't roam around dahil boxed sa pig pen ang buhay nya. Nakakulong sya... his only option is to eat and die... eat the darak or the kanin baboy...

Sana para na lang akong pig... If I were to live again next lifetime... I'd rather become an ordinary pig. Masarap ang buhay ng ordinary pig... gusto maging barako... eat, have sex and die... what a purpose in life...

The wild pig on the other hand is a rare breed... near extinction na yan... They hunt their meals... they either hide from or fight their predators. They have tusks... and they are black... unlike the ordinary pig who've have given up the real color of their skin dahil sa skin whitening creams... The wild pig uses his cognitive faculty and his intincts to survive in the wild. Unlike the "cultured" ordinary pig who waits for their time of execution... the baboyramo has a will to extend his life and enjoy the beauty of the forest. He values his existence and his environment. His purpose is to survive and to protect his environment.

People would rather eat a Baboyramo kasi he has a different purpose. Mas malasa kasi pinahalagahan ng baboyramo ang buhay nya.

Dalawa lang klaseng tao sa mundo kung kababuyan ang pinag uusapan... may baboyramo at may baboy na banlat... Kung ordinary baboy ka... wala kang logic... wala kang pakialam sa buhay... baka nga silent majority ka... a fence sitter... complacent sa pang araw araw na buhay... ayaw nang mag isip... kasi lahat ng isinusubo ng media sa utak ay oo na lang ng oo... Ang amo ng utak mo ay si Bunyi, si Gonzales, si Defensor at si Ermita. Ginagawa ka nang tanga... ginagawa pang baboy ang pag iisip mo.

Friday, March 31, 2006

Gardening






Gardening Experience...

I have around 200 basil plants growing in different sizes of pots... me tanim din akong rosemary, peppermint, oregano, lettuce and small fry tomatoes... I've been doing this for the past sex (6) months... The crazy idea of planting basil started out when everytime i crave for pesto nawawalan sa shelves ng Santi's at Hypermart ng SM ng basil... tapos nagagalit ang sister ko sa akin dahil kinakalbo ko yung dalawa nyang halaman na basil which is about 3 feet tall already... dahil adik din ako sa pesto pasta and any recipe that has to do with basil... love the smell... love the taste... nag papaka cultured ka kunwari lang.

first things first... I read a lot of articles on the net about these plants and other articles on container gardening... mula sa mga gadgets/paraphernelia... i wanted to grow organic kasi fad... syempre nakakatulong ka daw kay Mader Earth and all those altruistic eklat motivation.... browsed all the sites i could click on while downloading pirated ebooks at comics...

and boom... bigla ko na lang narealize ko na gumastos na ako sa seeds, water hose... seeding trays... black soft pots... potting mixes... gloves... etchetera etchetera...

pag nagsisimula ka pala kabado ka dahil you're afraid dahil you might have a brown or black thumb... mamatay halaman ka.. a plant killer... never planted anything except a bananna tree at marijuana when i was in high school... hehehehe... luckily yung mga ninakaw kong mga seeds sa basil plant ng sister ko at yung binili kong lettuce and tomato seeds germinated... wow... sarap da feeling... feeling mo para kang god... to think napaka init ng balcony sa harap ng room ko...

next problem is fertilizer... just found out na dun sa katabing vacant lot ng bahay namin merong mga ipot ng paniki... bat dung... or guano... shit... natural na natural ang dating... basa uli ako sa internet ng benefits ng guano... ayun... nagwawalis ako tapos nilalagay ko sa paso... ang resulta maganda ang tubo... kaya lang seasonal lang ata ang pag stay ng mga bats sa tree na katabi nga house... wala na akong mawalis na guano... i called up my buddy who's into the production of organic fertilizers... aba binigyan ako ng 3 litters... libre...

at dumating na ang mga peste... mga red ants... mga worms... sabi ng friend ko yung mga worms daw na yun ay leaf folders... pag nakakita ka ng nagdikit na leaves.. siguradong may uod... kaya i have to cut them in half with my small pruning scissor... hehehehe... napaka sadista ko sa uod... grabe... tawag sa akin ng kapitbahay ko... MAMATAY UOD... gardening made me a murderer... yung mga red small ants... tolerable sana... kaya lang ang mga bwisit na yan... kaya pala kokonte lang ang nag ge germinate na lettuce ko... naabutan kong ninanakaw ang mga seeds sa seeding tray ko... ayun i sprayed them with hand washing soap and austerized siling labuyo... it was a massacre... grabe ang daming patay... parang wacko texas massacre...

lumaki na sila... mahirap mag dilig everyday.. mag fertilize everyweek... mag tanggal ng weeds every other day... maging murderer twice a day... at magpaka organic kuno in the next x number of days... pero ang pinaka rewarding ay yung unang harvest mo... wala pang dalawang cups yung mga initial 20 pot harvest ko... maraming olive oil at konteng dahon ang basil... used Happy peanuts instead of pine nuts... piso lang kasi isang packet ng Happy e... kunwari parmesan cheese ang natirang queso de bola nung pasko... Ewwwwww tsalap... you'll savor yung pag lamon mo sa kanya... dahil ang nilalamon mo ay tanim mo... wow... cultured ka pa kunwari dahil sosyal ako... pesto yan... more than 200 pesoses yan sa Itallianis, Plato Platina, Beninnis at a venetto... And it's fresh...

Did you cheat?

In the seminary, I was taught how to stand for what is right.... and not to compromise anything that's the opposite. Christian values such as respect for the rights of others... telling the truth... and to the point of stupidity and craziness... dying for it... sabi nga nila fools for Christ... were impregnated and imbibed everyday through masses, rosaries, spiritual readings, morning/evening prayers and meditation... Dyos ko day... araw araw yan... nagkakalyo na ang tuhod ko kakaluhod. Yung ilan na assimilate ko... yung karamihan hinde... hehehehehe...

When I went out... it was a different ballgame. Sabi nila if there are two evils choose the lesser one... tanong ko parati... meron naman sigurong two or more better options... hindi lang ipinepresenta sa yo. And it's true... we all have options in different scenarios. It's like martial arts... there are many ways to put down your opponent... In music... there many ways to interpret a song... or in gardening so many ways to kill worms and weeds. There are always options... the best and possible options. It's not one but two or more.

Sa isang meeting ang mga Pinoy mahilig makipag debate dahil most attendees stops in problem definition... some would push for the only option he can think of kasi gusto nyang sumipsip at magpapogi sa bosing... then a long debate starts... yung humihinto sa problem definition... sinisisi si ganyan at si ganon... yung nakapag isip ng kai sa isang solusyon... sasabihin "ito na! Maganda ito... magaling ito... ito lang ang tama!" Nako... kung ang facilitator ng meeting ay mahinahina... di makaka usog ang pagpupulong... Pero ito ang natutunan ko sa mga expat na nakahalubilo ko sa ilang proyekto... First... you define the problem... and go on with the definition of the desired output... tapos each one would think of solutions to the problem and the best possible courses of action for the desired output... Simpleng simple ang diskarte...

Konekment...

Problem Definition: Nandaya daw si Gloria sa Election. May ebidensyang lumabas... wiretapped conversation ng isang Comelec Official at si Gloria.

Desired Output: Isang kasagutan kung nandaya ba sya o hinde.

Best possible courses of Action (that i can think of):

1. Magkaroon ng tamang hearing at isang fair trial. She should answer the question... Nandaya ka ba o hinde?

2. Bumaba sya sa pagkakaupo at bigyan nya ang upuan ng pangulo ng respeto at delikadesa... sa ganitong paraan itong mga rallies na to ay huminto at umusog na ang ating ekonomiya..... Magkaroon ng snap election pagkatapos para malaman kung sino talaga ang gusto ng nakararami.

(Kung meron pang ibang options... paki dugtungan)

Ang nangyayari... pinapaikot lang nya ang mga tao sa pamamagitan ng pag mamanipulate ng media at ng goverment resources to coverup the defined problem... now she is the problem...

Pinoys are presented with "factual lies"... saying that she is the only option for the Pinoys... nakow... please... don't be Pinoys for a time... think like expatriates... don't compromise anything that's good for something that appears to be good. Sabi nga ni Aunt May kay Spiderman sa Spiderman 2... "sometimes we need to be steady."

From where I came from (seminary) we value honor... even if it takes some immortal time to wait for the right thing without compromising your values we were taught to be patient... We value the rights of others... even if most of us might have voted for gloria we respect the rule of law... the process of democracy... that is why i'd like to think that most of us believe that Gloria has to answer the big question... "Did you cheat?"

Thursday, March 23, 2006

Boobtube Eklat - The Television

A culture of soaps, talk shows, game shows, reality shows, singing and talent contests and basketball.

Looking into the mindset of Filipinos... you have to know what they are watching everyday. Amazing talaga ang mga pinapalabas sa TV ngayon. Tapos pag napanood na... babasahin pa sa magazine. Take for example yung kay Juday at kay Piolo... manonood ka ng TV... yung drama nila... tapos aabangan mo sa tsismis articles sa mga showbiz mags at gossip column ng mga dyaryo.

What do filipinos get out of it... syempre isang depressing na istorya na puno ng intriga... inapi... nakabangon... tinarantado ng antagonist... sinaksak at pinatay ang kaibigan o kamakanak... hard up sa buhay... naghiwalay ng tadhana... so forth and so on... The stories are so depressing... tapos ang mga nanonood ay always waiting for a climax that's so predictable... What do they get out of it... hmmmm... wala... gastos sa oras... gastos sa text... at isang napakagandang motivation sa mga produkto na endorsed ng mga palabas na 'to.

The Filipino life evolves on upisina-bahay-lamon-TV routine. Ang isang struggling masa or middle class... gusto na lang magpahinga after a stressful hard day's work... manonood na lang sa boobtube ng mga palabas for 1 to sawa hours hanggang antukin pagkatapos kumain ng hapunan. Habang nakaupo nag e emote sa pinapanood at in between binobombard ng commercials para ma motivate na bumili ng producto... At ang commercials na yan ang artista na endorser ay pinapanood nya dun sa teleserye, talkshow, gameshow etc...

Looking at these parameters... ang buhay ng negosyo ng pinoy ay umiikot sa showbiz... sa telebisyon... dyan kumukuha ng hint ang big businesses... Procter and Gamble... Unilever... PLDT... California Mfg... On the backdrop, it's not really about showbiz... It's big business. Iginigisa tayo sa sariling mantika.... we have this tele-culture... and big businesses ride on the cycle.

TV network survives because of product endorsements... and you need to be big in order to have at least a 20 minute exposure. Hindi ka pwedeng gumawa ng komersyal kung ang budget mo ay maliit... kasi kailangan mo pambayad sa production crew from the artista, direktor, script writer... etc... Kaya multi nationals and business giants lang ang makaka afford nyan.

Politicians ride on the bandwagon... tingnan nyo ang mga senators and congressmen... some of them got exposures in certain commercials. Gloria in her case tried to make some konekment with Nora Aunor dahil bansot at may nunal.... SHEEEEET... WALANG HIMALA!!!!!!!! Kaya kung lumalabas sya sa mga presscon nya feeling nya si Nora Aunor sya at nasa telenovela... pathetic.

Pero magbalik tayo sa mga palabas sa TB... Tingnan na lang natin itong fad na mga singing contests... Star in a Bankrupt na palabas sa isang network. Anak ng pitong kuba nung magkaroon nyan... lahat ng bahay merong magic sing o may mga VCD... TANGNA... KAHIT SINTUNADO ANG LAKAS NG LOOB NA UMATUNGAL... peste. Buti sana kung isang beses lang kakantahin... Isang oras yun lang ang kinakanta... It's a fad na nagpataas ng sale ng magic sing at yung mga arcade shops na merong mga videooke cubicles na hinuhulugan ng limangpiso kada kanta. Everybody wants to be a SONGER!!!!!! SHET! Pwede ba... wag naman sanang gawin natin ang mga anak na babae natin na ang ambisyon sa buhay ay maging katulad ng mga nananalo sa singing contest... maging DIVA... ang pinakamataas na chances nya ay maging isang entertainer sa Japan.

Ang mga palabas sa TV ay nag se set ng trends ng fashion... tingnan mo... ang mga misis na pinoy... hanggang sa anak na babae... anak ng tokwa oo... lahat gusto madulas ang buhok... shining parang nagpa salon... Yung headband ng bading look... Yung starstruck and F4 look... The pinay with a white skin look... The bad-boy Robin Padilla antics... The paintellectual konyo look... The tweetums biting the lip look... The mommy na sosyal look...

Point is that... it sets something that we are not... we've been farmers and fishermen during the x number of years before the 20th century... What we have right now is a boobtube culture that makes us do things the way the script writers wants us to be... Never injecting something that is really valuable to us as a Pinoy... a sense of history.

The Japanese have realized this error in the boobtube culture... Now... they are producing animes depicting their cultural heritage and values... Sana yung mga television script writers, producers and owners would at least take some effort in this...

On our end... in our own little way... pwede na sigurong i divert natin ang oras natin sa de-stressful activities such as gardening, sports, board games and reading books. Wala ka namang mapapanood na di stressing sa TV telenovelas, sa talk shows na puro kabadingan... at sa mga pa kontest na di ka naman kasali.

There are other options katulad ng nasabi ko. Kung may espasyo sa bahay mo... bumili ka ng paso... magtanim ka ng kamatis... o di kaya'y mga gulay katulad ng lettuce o pechay... Magdownload ng pirated na libro sa internet o ibang mga worthwhile na basahin... Makipaglaro ng chess o scrabble sa kapitbahay mo anak mo o asawa mo... Walk... walk from your house to farthest sari sari store to buy a pasador, yosi or mani... For your own sake... TURN OFF THE BOOBTUBE AND THINK OUTSIDE THE BOX.

Tuesday, March 21, 2006

Of teaching kids about Gloria as a cheater.

This is one of the replies i sent to one of the complacent people who knew that gloria cheated but still thinks that gloria is still THE option.

You just don't justify something that's immoral like cheating and telling lies to your kid. Sa school nila there is a subject called "Christian Values Formation" or "Religion and Good Conduct"... me ibang tawag dyan pero the subject is more on value formation. That's the standard in every school. Siguro if your kid has raised up the issue... you could tell your kid "lam mo anak, may mga taong mandaraya sometimes they easily get away with it in a certain period dahil nasa kapangyarihan sila. Pero me mga taong alam kung ano ang tama at pinaglalaban nila. Katulad noong panahon ni Superman, Batman, Spiderman at Dr. Jose Rizal ... Ngayon meron tayong mga kababayan na tumatayo kung ano ang moral at tama at ipinaglalaban nila 'to. Dahil sa harap ng Dyos pag tayo'y namatay, ang itatanong sa atin... 'Ano ba ang ginawa mo sa isang maling nakita mo... hinayaan mo na lang ba ito... o tumayo ka at gumawa ka ng paraan para ituwid ito?'"

Sa palagay ko scarlett ang ganitong approach ay makakahubog sa anak mo bilang isang mabuting mamayan. He/she can stand for what is right... may advocacy sa buhay at may purpose.

Pero kung sa tinuro sa yo ng nanay mo na "hayaan mo na lang" attitude... someday babalik sa 'yo yan. The Bible, the Koran, the Torah, Tibetan Book of the Dead... teaches the universal principle of Karma... "what you sow is what you reap." And KARMA is pure logic. It's a continuation of the most popular quote "do unto others what you want others do unto you." KARMA says... "if you've done 1 bad thing to another person... it will return back to you a hundred fold."

Kung ikaw ay naglalakad nakakita ng sinasaksak... di ka nakiaalam... malamang pag sinasaksak ka na rin wala ring makikialam. I mean if that's what you want... that's fine with everyone... wag lang sanang idamay mo ang bata sa bad Karma mo.

Remember the popular story of Christ na Good Samaritan... yung tatlong klaseng tao... merong nandeadma lang... merong naawa pero walang ginawa... at merong naawa, pinansin at gumawa ng paraan para makatulong. Saan mo gustong ihubog ang anak mo sa tatlong klaseng taong binangit?

Kung ikaw ay may practical na pananaw sa buhay na wag pakialaman ang mga bagay na palagay mong mali at kung makikialam ka ay natatakot kang baka mapahamak ka... sana sarilihin mo na lang yan at wag mong ituro sa anak mo ang ganyang attitude... Bigyan mo sya ng options para magdecide kung anong tamang gawin... kung anong moral... kung anong mabuti para sa nakakarami. Nangsagayon lumaki sya bilang isang mabuting mamamayan na di pwedeng magkaroon ng masamang KARMA.

Saturday, March 18, 2006

Epekto ng Twelb Persent BAT (12% VAT) at paano 'to ninanakaw ng mga bakulaw.. (Part 1)

Ang buwis na ipinapataw sa mga binibili natin, sa serbisyong binabayaran natin at kinakaltas sa atin kada sweldo ay hinuhuthot ng mga buranak ng tatlong branches ng gobyerno... Executive, Legislative at Judicial.

Executive... meron yang tinatawag na Intelligence Fund... ang unaudited allocation na di baba ng dalawang million peoses (2M PHP). Unaudited yan ibig sabihin nasa disposal ng isang secretary ng isang ahensya para gastusin sa paraang nais nya. Yan ang pork barrel ng mga cabinet secretaries at mga directors ng mga ahensya. Kaya pag na appoint ka bilang secretary... instant millionaire ka na. Pwera pa sa budget allocation na pwedeng i divert ang pondo (eg fertilizer scam), me powers ka pa to buy your own car or house sa intelligence fund pa lang.

Legislative... obvious... PORK BARREL... yang mga senador na ganador at mga tong-gressman ay nagpapasasa sa pondo na yan. Ang Country Wide Development Fund ang official na tawag dito. Subject for audit yan pero sa tinik ba naman ng mga accountants at magaling na pagkakadivert ng pondo na yan wala kang trace kundi isang "altruistic project allocation".

Judiciary... pambili ng black robes... at pang sweldo sa mga "hoodlum in robes". Mga judges, fixcal at mga clerk of courts na karamihan ay nagluluto ng mga kaso in favor of the influential and the rich... yan ang pinupuntahan ng budget.

At ang pera na na yan na ginagamit ay galing sa buwis na pinapataw sa atin... Nangungutang ang gobyerno sa world-bank IMF dahil kulang ang budget allocation sa mga kawani ng gobyerno... dahil kulang daw ang nakokolektang buwis. Ang kinokolekta namang buwis ng mga pangunahing ahensya katulad ng Customs at BIR ay di sapat dahil a significant portion of the collection is remitted to pay our IMF loan.

Bakit kelangang itaas ang buwis?... ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA...

Tuesday, March 14, 2006

Serenity Prayer and TWISTED LOGIC

God grant me the SERENITY to
accept the things I cannot change;
COURAGE to change the things I can;
and WISDOM to know the difference.


The sun rises everyday. My herbs and vegetables plants needs to be sprinkled with the right amount of water before the sun spreads it's light at the break of dawn. This means I have to wake up and get the water hose and start my day with the same routine. Since I'm into organic farming, I have to handpick every worm (and kill them) and pickout every weed. Ang resulta magandang ani.

Applying the same logic of the prayer...

I have to accept the fact that the sun rises everyday... that my plants needs watering... and the worms and the weeds can kill my plants if will not do anything about it.

If you'd make a twisted application of the prayer...

I have to accept the fact that the worms and the weeds kill my plants... let me not do anything about... let them die... i'll just sleep over it... Let them dry and die under the heat of the sun... I'll just accept the fact that it needs water to live but I won't make dilig dilig kasi i don't want to do anthing about it.... TWISTED LOGIC isn't it?

I have to accept the fact the gloria cheated the election... I can't do anything about it and there are no other alternatives... GOD... where is "the courage to change the things I can"? Why can't we move on to the last part of the prayer ... "the wisdom to know the difference"? Baliktad kasi ang presentation ng prayer... for you to have the courage and the "serenity to accept" you should have "the wisdom to know the difference". Na short cut and dasal na yan.

"God grant me the knowledge to understand things that are happening around me. The things that i can change... and the things i cannot... THE WISDOM to distinguish one from the other... The Courage to change the things I can in my own little or big way... The Serenity to Accept the fact that some things should be taken as it is."

There are people who have accepted the fact that Gloria is a cheater... magnanakaw ng abono... coddler ng hueteng ang asawa, bayaw at anak... kahit pers year hay iskul alam yan.... GOD GRANT ME THE SERENITY TO ACCEPT... at dyan na natapos ang pag iisip nila... they do their own thing... Why? ... because people with TWISTED LOGIC told them not to think anymore... it would be another burden for them to do something about it in their own little way.

People who twist your mind with their twisted logic are propagandist... saying that "GLORIA IS A CHEATER AND SHE IS THE BEST ALTERNATIVE"... oh my gulay! Ikaw naman dahil busy ka kakakwenta ng gagastosin mo sa pang araw araw at gumagawa ng paraan para pagkasyahin ang pera mo... OK na lang sa 'yo. Kahit kaltasan ka ng 12 pesoses kada 100 pesoses na sahod mo kasi 12 percent na ang VAT.... yung dating sampung piso na hinuhuthot sa yo ng gobyerno ngayon dose pesos na... Ok lang yan sa 'yo... ayaw mo na kasing pa istorbo eh... tangna kasing mga politoko yan sa opposition POWER HUNGRY.

Whoa... mga opposition... opportunist? Tama ka dyan... pero why should you listen to their rants and raves? Wala ka bang sariling utak at paninindigan para sabihin...ITO ANG PANINIWALA KO.. ITO DAPAT ANG MANGYARI!... Sabagay... nga pala... sawa ka na kasi kamo... tama na lang na tanggapin natin na MANDARAYA ANG PRESIDENTE natin at WALANG MAGANDANG ALTERNATIBO.

Pero brooder... sadik... bos tsip... amo... TWISTED LOGIC nga... bakit ka kukuha ng lead sa mga opposisyon na oportunista kamo... ang sa akin... eto ang dapat mangyari... pure LOGIC... eto ang option ko... without considering the rants of the opposition

1. Nahuling nandaya si Gloria... steps down...
2. Election... election at election...
3. Bumoto ng tama sa election... kahit si Amay Bisaya and running mate rico puno... iboto mo
4. Wag nang mag Edsa X... ober na yan... meron tayo kasing konstitusyon... na sinasabing may election at ang termino ng ang isang rightfully elected president ay sex years (6). Ang rightfully elected means... nanalo... pwedeng hindi nandaya pero kung nandaya... hindi nagpahuli.
5. Hayaan mo nang gawin ng mga elected officials ang functions nila... Kahit anong pinagdadakdak nila at mga pangako nila nuong campaign period... good governance all boils down to proper IMPLEMENTATION OF LAWS, RULES AND REGULATIONS OF THE LAND.

Ayan... wala akong pakiaalam kung sino man ang magsabi sa akin na boto this boto that... think like this... think like that.... to hell with them... ang sa akin... Iboboto ko si Amay Bisaya at Rico Puno... PULEEZ........ DON'T TWIST MY MIND WITH YOUR TWISTED LOGIC.


Koya Jit

Sunday, March 12, 2006

Ass licking Gloria... the Uncle Sam factor

Ass licking Gloria... the Uncle Sam factor

The only reason why she's still sitting at the throne... she's licking the ass of Uncle Sam. Put away that factor and she's gone... just like that...

We can learn from the downfall of Marcos and Erap.

Philippine polictics is all about the interest of the United States... balibaliktarin mo man ang usapan... si Ankol Sam pa rin ang masusunod. Tingnan mo ang nangyari kay Marcos... Marcos-US relationship started to dwindle down when Phil goverment policies did not run in favor of the US interest... but for 20 long years Marcos was merely a puppet of Ankol Sam.. Erap was erratically uncontrolable... lassengo daw kasi... he had his own decision.... no one can control him but his ego... and he was out... just like that. Look at Cory... Ramos... worked for the interest of US businesses.. Cory... kahit ilang coup... nakaraos... kasi sipsip din kay Ankol Sam... Ramos... same shit ni Cory.

Gloria... is a different shit... magaling sumipsip... maganda ang credentials... economist na graduate sa US of EY... but she's not working alone... her administration is composed of all types of predators... from the buwaya to the linta to the kuto... She's got the generals installed in key position.. mga heneral na nandun sa hello Garci tape. Mga kongresista na naambunan ng mga malalaking pork barrel at mga pera nang kaban ng bayan na diverted through various scams like the famous fertilizer scam... Mga spin doctors who can paint and dress her like a saint... who can hide her horns and hertail with all the lip services through the tri media... mga Cabinet members na walang ginawa kundi mag siphon ng pera papunta sa kanikanilang bulsa at op cors sa bulsa ng mga handlers nila... We can call these people... TEAM EPAL.

Team Kupal... mga taga sulsol ne gloria... works for the interest of Uncle Sam... hayaan na lang natin yan... tutal nandyan na yan... ipanalangin na lang natin na sana ang karma nila ay umihi ng blade.

Tuesday, March 07, 2006

E sinong ipapalit?

E sinong ipapalit?

Meron tayong democratic process... ang tawag dun election. Yung mga taong nagsabi nito ay nabilog na ang utak dahil wala daw ipapalit. Kaya nga may election para mamili ang mayoridad sa isang demokratikong paraan. Sana naman kung ang mga epal na walang utak na bumoto kay Erap at sa nasirang FPJ (SLN)... hayaan natin munang matapos ang kanilang legitimate tenure of serving as the president of the bananna republic. Look at what we've done during Edsa 2... kicked out Erap... for what? Now we get what we deserve.

Why can't we be like the Americans... once the campaign starts... opposing camps throw mud and shit at each other... but once the ballot have been counted and the election is over... mudslinging... shit slinging stops. Kaya kung nanalo man ay si Amay Bisaya o si Rico J. Puno... patapusin nyo na ang termino.


E mandadaya din ulit yang mga yan.

Let them cheat... but let them not be caught. Kung mandaraya sila... linisin nila... but that is a crazy thing to do. Me kasabihan ng sa pilipino "walang mandaraya kung walang padadaya" o "walang manloloko kung walang magpapaloko". Marami na tayong electronic gadgets to guard our votes. We are a stupid nation kung hanggang ngayon hindi natin alam kung paano bantayan ang boto... may mga camera na ang mga cellphones... pwede ka nang maglagay ng hidden camera sa mga presito... you can broadcast a streaming video through the net. pwede mong makita ang mga nag ba ballot snatching ang mga politikong nangangampanya pa sa loob ng presinto... ang bilangan ng boto...

E nakakasawa na. Ganun na lang parati.

Talagang nakakasawa na. The significant changes that we aspire as a nation will not happen in our lifetime. Pero we could leave a legacy that the generations that existed this period tried very hard to change the system of goverment... that generations to come would be able to say... yan ang mga ninuno ko. Hindi nagpagago.

The Middle Class Eklat

Nakatanggap ako ng isang forwarded email sa isang mailing list at napansin ko na ito'y isang malinaw na propaganda ng isang tao na nagkunwaring isang middle class daw sya. Ako'y nabibilang sa middle class kaya nag aksaya ako ng oras na sagutin ang mga kabulaanang issues na nasabi ng propagandista na 'to. (

Mapagpangap na Middle Class
Ako ay isang middle class Pinoy, isang officer sa isang malaking korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag wala na pera intay nalang ng sweldo.



Sabi ko:
Tanga ka pala e... ang pasok ng isang middle class ay mula alas otso hanngang alas singko 8 - 5. Hindi alas nwebe hanggang alas singko. Ang middle class hindi na makainom ngayon dahil mahal na ang beer dahil may "sin tax" na. Wala nang panahon makipaglaro kay baby dahil pag umalis ka ng alas singko. Alas nuwebe na ang dating mo sa bahay dahil sa trapik. Anung i tutor si ate/kuya... pagkadating mo sa bahay lalamon ka na lang at matutulog. Kung taglibog ka makikipag sex kay misis. Si misis ay pagod na rin kaya once in a blue moon na lang ang sex... on special occasions.

Sabi ng Mapagpanggap na Middle Class:
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko



Sabi ko:
Well dito hindi ka pumaltos kasi obvious naman dahil ikaw ay isang executive or may ari ng isang kumpanya. Hinuhuthutan mo ang mga empleyado mo. Sila ang nagbabayad ng tamang buwis samantalang ikaw nag hire pa ng SGV para dayain ang buwis mo.


SABI ng MAPAGKUNWARING MIDDLE CLASS:
sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip.

Sa Mga Politiko:

Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo
makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.


Sabi ko:
Hoy epal... hindi ako politiko. This is a free country. Ang function ng opposition ay magdadakdak at magbigay ng alternatibo. Best and common practice ng mga goverments of the whole wide universe. It's up to you to listen to them or not. Put up or shut up.


Sabi ng Epal na Middle Class:

Sa Administrasyon:

Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon, pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.

Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007, tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban sayo. Try mo lang.........


Sabi ko:
Leche ka. Anong pinatawad? Gahgah. Obvious na ika'y isang propagandista. Nambibilog ng utak ng nandito na nagbabasa ng mga ka eklatan sa internet. Ako at sampu kong kapitbahay ay minumura pa rin si Gloria. Mandaraya na... plastik pa. Anong parliementary na pinagdadadakdak mo? What's wrong with the present or previous form of PInoy system of goverment... Look at the laws rules and regulations of the land... they're as good as the by laws of multinational corporation. Ang problema ay implementors. Ang kailangan lang ay ipatupad yang mga yan ng tama at maayos... Paano maipapatupad ng epal mong si Gloria kung sya ang numero unong violator. She's cheated the electoral process. How can she implement the other batas kung she's the one who's broken the rules?

Parliementarial puppet form of goverment ba kamo? Isaksak mo na lang sa baga mo yang YES mo. Sinong niloloko mo? Lelang mong panot?


SABI ng Epal na Mapagpangap na Middle Class
Sa Oposisyon:

Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.

Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos. Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at sa gawa.

Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.



SABI KO:
Nako... the usual arguement... walang ipapalit. Walang choice daw. Bullshit na idea. Maraming mas matinong tao sa Pinas kaysa kay gloria. Pero that's not the point of argument. Hindi sinong papalit. We have an electoral process... merong mga kandidato... merong iboboto. Let the people choose once she steps down. Ano ka hilo? Nandaya nga e... dapat tadyakan at ibiging patiwarik habang pinipitik ang ilong para tumangos... At kung sino man ang manalo... wag na nating guluhin ang proseso... wag na tayong mag EDSA...

Don't you think that some of these people on the opposition are credible people who's done well for her.... Hyatt 10... si Abad, si Parayno...pero bakit nasa opposition ngayon clamoring for her resignation? Kasi mandaraya sya.


SABI NG EPAL NA MIDDLE CLASS:
Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan. Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na kami e, sori ha.



SABI KO:
Mga middle class na may passion for a change in governance ang mga nag ra rally. It's their choice. Pasalamat ka't hindi pa humihirit si Susan Roces at mga galamay ni Fernando Poe... kung hindi... patay ang negosyo mo. hehehehe. Hindi pa ako pagod sa kaka banat sa kagaguhan ng amo mong epal.



SABI NG EPAL NA MIDDLE CLASS DAW:
Sa Military:

Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka- mareklamo.



SABI KO:
Tanga ka pala at kalahati e... Ang nirereklamo ng mga Junior Officers ay issues of corruption within the military. Isn't it obvious? Binubulag mo ba ang mga nagbabasa nitong kahunghangan mo? Look at the AFP Comptroler na si Garcia? Di ba pruweba ng corruption yan? They have a long list of grievances.. Pag merong nasasaktan merong uma aray. Yang mga nagrereklamo ay mga idealistic na mga sundalo. Di ba't nagkaroon na ng mass resignation? Di nga lang gaanong napabalita kasi kontrolado ng mga spin doctors ng epal mong bosing ang media... tsk tsk tsk... bisto ka na naman.


SABI NG EPAL NA MIDDLE CLASS DAW:
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility".....kaya

SABI KO:
POWER CORRUPTS... Spiderman your face. A person who uses his power to abuse other people dies a violent death....


SABI NI EPAL na MIDDLE CLASS daw sya:
maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami wala.


SABI KO:
Illogical... bobo!


SABI NI EPAL na MIDDLE CLASS daw sya
Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman silang email.



SABI KO:
Ako meron. Yang mga mahihirap na yan ang isa rin sa nagpapahirap sa middle class. Kaming mga tunay na middle class ang sumasalo ng burden ng mga yan. At hindi ang mapag haring uri na katulad mong impostor ka. Sino kaya ang lecheng handler mo? Kaming middle class ang nagpapalamon sa mga sira ulong jeepney driver na may sampung anak at limang kabit na babae. Dahil sa aming pamasahe sa pang araw araw na pag ko komute... pinapalamon namin yang mga yan... na hindi naman nagbabayad ng buwis. Kami rin ang hinuhuthutan ng mga taxi driver na mahilig mamili ng pasahero. sa tatlong kilometrong biyahe sisingilin kami ng dalawang daang piso. Kaming mga tunay na middle class ang nagsasabi dyan sa mga bobong mahihirap na ayusin ang boto at wag bomoto ng kasing bobo nila na napapanood sa sine katulad ni Lito Lapid, Ramon Revilla, Joseph Estrada at Fernando Poe. Kami ang mga nagbibigay ng limos sa mga kumakatok na pulubi sa bahay namin kasi accessible pa ang daan namin sa kanila dahil bawal sa Ayala, Alabang at Forbes Park ang mga gusgusin. Kami rin ang sumasagot sa kuryente na jina jumper ng mga taga squatter at isnasampa ng Meralco ang loses nila sa aming monthly billing statement.


SABI NG EPAL NA MIDDLE CLASS DAW sya:
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.


SABI KO:
Makonsensya ka naman.... YOU'RE A FAKE!!! Kaming mga tunay na middle class ang lehitimong nagbabayad ng buwis... kaya of all the social classes we have the right to earn what is due us. A good and honest elected leader (which we don't have)... Proper delivery of basic services.


SABI NG EPAL NA MIDDLE CLASS DAW SYA:
Signed,
Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng Buwis!

SABI KO:
Ang bottom line... ANG PASOK NG MIDDLE CLASS SA ARAW ARAW AY ALAS OTSO!!! at hinde ALAS NWEBE... at kung pumasok ka ng Alas Nwebe... ang labas mo dapat ay Alas Sais... TANGA!!!

Friday, March 03, 2006

Hayaan mo na lang!

80 percent of the Filpinos heard the "Hello Garci" scandal. That would make them stupid enough not to conclude that it is Gloria's voice on the wiretaped conversation.

So what then? Simple lang the wiretap conversation is all about rigging the votes. About cheating the democratic electoral process. In plain and simple language... THAT IS CHEATING.

Kung nandaya si Gloria... would you teach the same thing to your kids. I mean would you be complacent enough to let cheaters go away with it and tell the future generation... "Ok lang ang mandaya"... "Hayaan mo na yan... lahat naman yan nandadaya." Oh my God... If this is the way you think... there would be no hope for your anak, pamangkin, apo and apo sa tuhod... Would we at least in any way... kahit sabihin na nating walang magbabago... kahit sinong i upo mo dyan walang mangyayari... (would we at least in our own little way) show some effort to hold on to the moral standards that we've learned when we were learning our values in our grade school religion (or value formation) class.... BAWAL ANG MANDAYA!!

"Hayaan mo na lang...."

Kung ikaw ba ay isang guro... hahayaan mong mag cheat ang mga estudyante mo? Tangna kang guro kung ganon...

Kung ikaw ba ay isang magulang... hahayaan mo bang kumupit ang anak mo sa wallet mo? Mas tangna kang magulang ka...

Anong klaseng legacy ang iiwanan mo pagkamatay mo? Anong klaseng value formation? PANDARAYA?

Tangnang buhay 'to oo.. Kaya "HAYAAN MO NA LANG..."

Now... where do we go from here?

Sunday, February 26, 2006

Problem is that there is a basic premise that Gloria cheated. So the answer to the question is still left hanging. Where there's doubt... prove... or prove otherwise.

I have no problem whether it's Gloria, FPJ, Erap, Tabako, Cory or Amay Bisaya is sitting at the throne... as long as he or she "officially" won the presidency. Ibig sabihin ng "officially" kung nandaya man sya... natago nya ang baho nya ng maayos... hindi sya nabisto... Ang mandarayang nabibisto... binibitin ng patiwarik. May prueba na nandaya sya kasi kaya nag a angasan ang mga kapwa nya epal sa opposisyon. May ebidensya... at hindi naman siguro stupido ang mga nakapakinig ng "Hello Garci" na tape na i conclude na hindi si Gloria yun.

Maraming sundalo ang na involved sa pandaraya kaya within their ranks nag a angalan. Marami pa ring mga idealistic na sundalo na ayaw mabahiran ng dungis ang kanilang karangalan... kaya ayan... at the moment may seige sa Fort Bonifacio.

If we want a change of "mindset" there must be a rallying point. Magsimula tayong maglinis ulit. Paano ka makakausog kung yung mga ibang tao na may paniniwala na ang pandaraya ay talagang di dapat palusutin... samantalang ikaw ay "hayaan mo na lang" attitude... how can you both reach your destination... how can the complacent work with a restless in doubt? The best option is to remove the doubt... and both be comfortable with a new elected leader.

If the question is... "E sino naman ang ipapalit?" We'll know when we get there. As long as there is a process and we go with the process (of election)... I don't see any problem with that. Ang problema kasi sa Pinoy is like the Pinoy Big Brother Mentality... puro personality... Goverment governance is just simply implementeng the rules of the land... A president does not need to come up with another political platform... ang plataporma ay nasa mga batas na... Every department on the executive branch has it's sets of rules and regulations... all the president needs to do is to ensure its execution and delivery. Ke si Amay bisaya o si Rico J. Puno ang manalo as long as he is doing his job... i don't see any problem with that.

Kahit ginagawa ni Gloria ang kanyang trabaho (kung totoo man yan o hinde) at sa utak naman ng mga nakararaming pinoy ay dinaya nya ang proseso at nagpabisto sya... walang u usog sa pag unlad... How can you rally towards growth and development if the highest official of the land is accused of cheating? Walang moral ground....

E sino ngang papalit? Let's go with the process... parang Grade 3 election yan e... dati may secret balloting pa. You nominate your class president, vice president, sgt. at arms, secretary, treasurer... then may balloting... an elementary process of writing your candidate for the position... ginagawa na natin yan... If Amay Bisaya runs for the presidency and he wins... support him... as long as he "officially" wins the election... at kung nandaya man sya... hindi sya nagpabisto... support him... Tama na ang people power... Tingnan natin ang ginawa natin nun kay Erap... Pa txt txt lang... akala mo sira ulo na yung tao... nanalo yung hunghang na yon... hinayaan na lang sana natin. Landslide ang victory nun... ni landslide sya ng mga txt ng Erap jokes... hanggang ang mga texters nagpuntahan sa Edsa... now we get what we deserve.. a cheating pandakekok.

Hindi ko malaman tuloy kung ano nga ba talagang paraan para mag luklok ng presidente... MAG PEOPLE POWER... o MAG ELEKSYON TAPOS MANDAYA PARA MANALO? Well... let's give gloria the credit of doing both...

Sunday, November 13, 2005

Hey... it's ok to lie, cheat and steal.

If you try to analyze the misinformation coming from the replies of malacanyang you'd conclude that the message they would like to put in the brains of the pinoy indios is ... "IT'S OK TO LIE, CHEAT and STEAL... and we're doing this to uplift the moral and living standards of the Filipinos."

Accusations have been laid down... simple lang ang sagot ng Malakanyang... WE DIDN'T DO IT. No need to prove anything!

Wednesday, November 02, 2005

When Repeated Lies Become Truths

Joseph Goebbels principle...

Nuong panahon ni Hitler, sa NAZI facist Germany radio and print media ang pinaka epektibong pamamaraan ng pag brainwash ng mga tao sa bansang yon. Araw araw... oras oras... pinahahayag ang "kagandahan" ng pasismo at ang ka guwapuhan ni Hitler ng mga spin doctors na pinangungunahan ni Goebbels. Siguro si Bunyi ay reincarnation ni Gobbels.... e biro mo ba naman... araw araw ba namang sabihin nya na si Gloria lang ang tugon sa kahirapan ng bansa... na sila lang ang magaling at wala nang magandang alternatibo kundi si unano. Dyos ko day... pwede namang si Amay Bisaya ang pumalit eh...

Bakit ba napaka guillible ng mga intelihenteng tao na sasabihin na si gloria daw ang may direksyon. Ow shit... sabay sabay tumataas ang cost ng mga basic needs and services. Ang LPG, ang bigas, ang karne at gulay... pamasahe na itinaas ni gloria ng dalawang piso... .... at eto pa... pinatungan pa ng EVAT... what more can we ask for? Ironic talaga ang kanta ni Alanis Morisette... Habang sa tutoong buhay... sa sampu mong kapitbahay nanaghihikahos sa pagtataas ng basic commodities... labing isa ang naniniwalang kailangang umalis na si gloria sa luklukan pero kalahati o 5.5 sa kanila ay sinasabing wala naman daw alternatibo o pwedeng ipalit na matino.... Yan ay sanhi ng pagkakahubog o pag be brainwash ng mga spin doctors ni gloria sa mga madlang pipol na nakikinig sa dyaryo at nagbabasa ng radyo.

Kung susuriin ang mga lumalabas na alingawngaw sa press.... bawat negatibong banat kay gloria ay may sundot kaagad ang mga bata nya. Pag biglang umapoy... may nakahanda kaagad na isang baldeng tubig para ma neutralize ang balita.

Eksampol:

ISSUE: Gloria nakipagusap kay Garci na isang komelek official... bagama't alam na ng buong bansa na nandaya si unano... yung tape ang nagvalidate at nag patunay na merong dayaan.... sino ba namang tangang tao dito sa pilipinas na hindi maniniwala sa konklusyon na nandaya si Gloria?

TUGON: Apology ni Gloria sa telebisyon. Ang pagsasabi sa sige open sya sa impeachment. Pati sila JDV open daw sa impeachment. Syempre... technically nuon pa man alam nila hawak nila ang nakararaming tonggressman... Resulta... na neutralize ang news sa pamamagitan ng pre-defined chronological scenarios... Game theory yan... Pag pumunta sa kaliwa... eto ipupukpok mo... pag pumunta sa kanan... eto ang isasaksak mo.

ISSUE : Jueteng involvement ng First Family... May idealistik na obispong katoliko na pumapel... may bitbit na witness... nagbulgar ng istorya ng juetang via senate hearing.

TUGON: Tinanggal ang visibility ng First Husband and Son to the first husband and Brother in Law to the First husband... the three stoogees of hueteng. Kunwari umalis ng Pilipinas... me drama pa yung si hasband na ma mimiss daw nya ang pamilya nya... Letseng kaplastikan... e iba na ang sinisipingan nila ng missis nya for x number of years. Resulta... neutralize ulit ang issue....

ISSUE: Pag reresign ng mga gabineteng de kalibre.

TUGON: Lumabas sa dyaryo na she fired them.... pero nauna nang nag tender ng resignation ang sampu.

ISSUE: Mga nag rarally... Asking her to step down.

TUGON: Destabilization daw... no permit no rally... binomba ng tubig.... Ano lumabas sa news... ginawaran ng mga medalya ang mga pulis na nasugatan...

Wats da point? Spin doctors run the political scenarios. Bago pa lang mangyari pinagplanuhan na yan. Bawat issue may pang neutralize. To neutralize an issue has x numbers of options.... patayin ang tao... patayin ang ibidensya... o ulit ulitin na sila ang anak ng dyos na tugos sa kahirapan ng madlang pipol. Uulit ulitn lang yang mga yan sa dyaryo at radyo. Kaya kung a anga anga ka sa mga lumalabas na issue sa dyaryo at radyo... napagplanuhan na yan para hubugin ang utak mo na si Gloria ay maganda, sexy at matangkad. Pero yuck... yuck da pandak.... ewwwww...

Wag ka na lang magbasa ng balita. Titigan mo na lang ang tatlong daang piso mo kung paano sa isang buong araw ay nilalamon ng mga presyo ng bilihin na tumaas ng panahon nya. Is there a better alternative than this scenario for you? for us? If you answered there is none but gloria... then you are a victim... a victim of Geobbelian mode of journalism of malakanyang... na brain wash ka na....


Nagmamahal....


KOYA JIT.


REMEMBER... SHE PROMISED SOMETHING GOOD RIGHT AFTER SHE TOOK AWAY ERAP'S SEAT... do some research on the internet and read these news articles on her... it's all about promises... she's never walked the talk... empty promises.... wawa naman tayo.



Free Hit Counter